^

Metro

Biktima ng salvage, natagpuan sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines –  “Kung gusto ninyong sumu­nod sa akin, mangarnap din kayo ng motor at magtulak ng droga.”

Ito ang mga katagang nakasulat sa karatulang karton na iniwan sa natagpuang bangkay ng isang hindi nakikilalang lalaki na may gilit sa leeg at nakabalot ng packaging tape ang buong mukha sa may lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na walang pagkakakilanlan ay isinalarawan sa taas na 5’6’’, may edad na 35-40 anyos, maputi, maikli ang buhok, nakasuot ng puting t-shirt­­, maong na jacket at kulay asul na short pants.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay natagpuan na lang na naliligo sa sarili nitong dugo sa may St. Charles Learning Center sa N. Ramirez St., cor­ner Matimyas St., Brgy. Don Manuel ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Pinalalagay ng pulisya na maaaring biktima ng salvage ang biktima at ginawa sa ibang lugar bago tuluyang itinapon sa lungsod.

Sinasabing natagpuan ang bangkay ng biktima ng isang Fernando Catalan habang ito ay papasok sa gate ng kanyang bahay. Mula rito ay napuna ang nakahandusay na katawan ng tao na duguan at may pack­aging tape ang mukha sa nasabing lugar.

vuukle comment

AYON

BRGY

DON MANUEL

FERNANDO CATALAN

MATIMYAS ST.

MULA

PINALALAGAY

RAMIREZ ST.

ST. CHARLES LEARNING CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with