Jeep sinalpok ng truck: 4 sugatan

MANILA, Philippines –  Apat katao ang malubhang nasugatan matapos na araruhin ng isang truck ang sinasakyan nilang pampasaherong jeep sa Valenzuela City kahapon.

Nakilala ang mga sugatan na sina Noralyn Manulekadan, 27; Azucena Grialdo, 44; Jerlyn Polosa, 24; at Shaina Magatengco, 17. Nasa kustodya naman ng pulisya ang suspek na si Juan Alegio, 47, ng Marilao, Bulacan at driver ng Isuzu cargo truck (NDA-501).

Sa imbestigasyon ng Valenzuela City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng umaga, habang binabagtas ni Alegio ang kahabaan ng Malinta Exit, Brgy. Paso de Blas nang mawalan ng preno at araruhin ang sinasakyang jeep ng mga biktima.

Sinuyod din ng truck ang tindahan ng cellphone, computer shop, isang motorsiklo at 7-11 convenience store sa nasabing lugar bago huminto.

Mabilis namang isinugod sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima habang sumuko naman sa mga pulis si Alegio.

Show comments