^

Metro

Parañaque police, may bagong hepe

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinalitan na ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang hepe ng Parañaque police na si Sr. Supt. Alfredo Valdez base sa pinaiiral na dalawang taong pananatili sa puwesto ng mga hepe ng pulisya.

Sa isang simpleng sere­monya sa Parañaque City Hall kamakalawa, pinangunahan nina Mayor Florencio Bernabe Jr. at NCRPO chief, Director Nicanor Bartolome ang “turn-over ceremony” upang humalili si P/Sr. Supt. Nestor Pastoral kay Valdez.

Si Pastoral ay dating hepe ng Police Community Relations ng PNP Region IV-A (Calabarzon) bago ang pagkakatalaga sa Parañaque City. Nagsilbi naman si Valdez sa lungsod ng dalawang taon at apat na buwan.

Pinuri naman ni Barto­lome ang pamumuno nito sa Parañaque City kung saan naging pinakamababa ang antas ng krimen upang mapi­ling pinakamapayapang lungsod sa buong Metro Manila.

Kabilang sa mga mata­gumpay na operasyong pina­ngunahan ni Valdez ang pag­lansag sa Bundol Gang na kinabibilangan ng mga kilabot na grupo ng mga carjackers na bumibiktima ng mga balikbayan.

ALFREDO VALDEZ

BUNDOL GANG

CITY HALL

DIRECTOR NICANOR BARTOLOME

MAYOR FLORENCIO BERNABE JR.

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NESTOR PASTORAL

POLICE COMMUNITY RELATIONS

SR. SUPT

VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with