^

Metro

3 miyembro ng 'bolt cutter' gang, timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Himas-rehas ngayon ang umano’y tatlong miyembro ng bolt cutter gang matapos na maaresto habang papatakas sa isang subdibisyon ilang minuto makaraang pasukin ng mga ito ang isang bahay dito sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala   ang mga suspect na sina Jomel Cruz, 30;  Edgar Barawel, 24; at Bryan Forbes, 30.

Ayon kay Montejo, nakumpiska sa mga suspect ang kanilang get-away car na silver Honda Civic (NQI-640) na may camera monitoring, isang bolt cutter, wig at ball cap ng PNP na ginagamit nila sa kanilang iligal na operasyon.

Modus operandi ng mga suspect ang magkunwaring mga disente at gumagamit ng kotse upang hindi mapaghinalaan ng mga security guard kapag pumasok sa target nilang subdibisyon.

Nadakip ang mga suspect sa may Mira Nila Homes, Brgy. Pasong Tamo ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Bago nito, pinasok muna ng mga suspect ang bahay ng biktimang si Herminia Roque, 65, ng naturang subdivision sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City sa pamamagitan ng pagsira ng kandado ng kanilang gate at bintana gamit ang bolt cutter.

Tiyempo umanong nagising ang pamangkin ni Roque na si James Paul Santos matapos na makarinig ng matinding tahol ng aso at nang kanyang tingnan ay nakita niya ang isang kotse sa harap ng kanilang bahay.

Agad nilang tinawagan ang guwardiya ng subdivision hinggil sa insidente kung kaya habang papalabas ang kotse ng mga suspect ay hinarang ito ng mga guwardiya at pinigilan.

vuukle comment

BARANGAY PASONG TAMO

BRYAN FORBES

EDGAR BARAWEL

HERMINIA ROQUE

HONDA CIVIC

JAMES PAUL SANTOS

JOMEL CRUZ

MIRA NILA HOMES

PASONG TAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with