^

Metro

Killer minulto ng pinatay na lola, sumuko

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Minulto at binagabag ng konsensiya ang isang 32-anyos na lalaki na nagnakaw at pumaslang sa 74-anyos niyang kapitbahay sa Tondo, Maynila noong Linggo kaya ito napilitang sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay Insp. Armand Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, isinuko sa kanya dakong alas-4 ng ma­daling-araw ng ilang opisyal ng barangay at kay PO2 Ronnie delos Reyes, PNP-Camp Crame, ang suspect na si Jonjon Bituin, residente ng Int. 21 S. Teodoro St., Matang Tubig­, Tondo, Maynila na umako­ sa pamamaslang kay Bella­ Amurao, residente rin sa naturang lugar.

Pahayag ng suspect: “Nakatitig lang siya sa akin at hindi nagsa­sa­lita, kaya hindi ako maka­tulog.”

Inamin ng suspect na noong Pebrero 13, dakong alas-11 ng gabi nang pasukin niya ang bahay ng biktima sa pa­mamagitan ng pagbutas sa dingding kaya siya nakapasok sa loob ng bahay.

“Nagising siya, tapos hinablot niya ako, tapos nagpambuno kami, sinakal ko siya tapos sumuka ng dugo,” pa­ha­yag pa ng suspect.

Sa follow-up investigation ni PO2 Ramon­cito Tolentino, tinatayang may P50,000 halaga ng pera at alahas ang nawawala sa biktima.

Una nang inulat ang natagpuang nabubulok na bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng tanghali na may mga saksak at naliligo sa sariling dugo.

Konsensiya ang siyang­ bumagabag sa sus­pect kaya nito binanggit na minumulto siya ng biktima dahilan upang isuko ang sarili sa mga awtoridad.

vuukle comment

AMURAO

ARMAND MACARAEG

AYON

CAMP CRAME

HOMICIDE SECTION

JONJON BITUIN

MATANG TUBIG

MAYNILA

SHY

TEODORO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with