^

Metro

'Bugaw' patay sa parak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang sinasabing ‘bugaw’ sa prostitusyon ng mga menor-de-edad na babae ang na­patay ng isang pulis-Maynila makaraang manlaban nang tangkain siyang­ arestuhin sa kasong human trafficking sa isinagawang follow-up operation, sa loob ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni P/Insp. Armand Macaraeg na isinugod pa sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang suspect na si Joncel Aburido, 23, binata, tubong-Cebu, nanunuluyan sa Room 208 Andalucia Inn, sa A. Mendoza St., Sta. Cruz, Manila.

Isinailalim na rin sa interogasyon ng MPD-Homicide ang nakapatay kay Aburido na si PO2 Angelo Loresto Buzon, 35, na nakatalaga sa MPD-District Headquarters Support Unit (DHSU).

Nabatid na hinanting ni PO2 Buzon ang suspect nang magsumbong sa kanya ang pinsan niyang itinago sa panga­lang “Jenna”, 13, kaugnay sa reklamong inihain ng huli sa MPD-Women and Children’s Concern Division (WCCD) sa pagbubugaw umano ng suspect sa kanya.

Kinaibigan umano siya ng suspect hanggang sa umabot ang dalawang linggo at doon na siya sinimulang gawing sex worker.

“Kinaibigan ’yung bata, tapos kung ilang beses na ibinenta,” ani Macaraeg.

Dakong alas-2 ng mada­ling-araw nang maganap ang pamamaril sa suspect sa okupadong silid nito sa nasabing motel. Nang makarating ang impormasyon kay Buzon hinggil sa kinaroroonan ng suspect, agad niya itong tinungo at inata­sang sumuko subalit nanlaban ito habang ipinoposas at sinaksak umano siya ng patalim sa braso. Dahil dito, napilitang paputukan ng pulis ang suspect na naging dahilan ng kamatayan nito.  

ANDALUCIA INN

ANGELO LORESTO BUZON

ARMAND MACARAEG

BUZON

CONCERN DIVISION

CRUZ

DISTRICT HEADQUARTERS SUPPORT UNIT

JONCEL ABURIDO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with