^

Metro

Van sinalpok ng bus: 2 patay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang patay habang pito pa ang sugatan nang magsalpukan ang isang pampasaherong bus at isang van sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Chief Ins­pector Virgilio Ramirez ng Traffic Sector­ 2, nakilala ang mga biktima na sina Rolando Magnayon at Marites Maregmin­.

Habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Elgie Kuini­sala, Lorena Tugade, Carlo Custudio, Rolinda Aurellosa, Ferdinand Aurellosa, Rosalie de Mesa at Ranjo Perez, mga pasahero ng Jayross Lucky 7 bus na may plakang TXL-911.

Nangyari ang aksidente sa may kahabaan ng Regalado Avenue, North Fairview sa lungsod ganap na alas-12:30 ng madaling-araw.

Sinasabing tinatahak ng bus ang naturang lugar nang pagsapit sa tapat ng STI College ay nag-overtake ito sa isang pampasaherong jeepney dahilan para masalubong nito ang Nissan Urvan (ZPV-293) sanhi ng kanilang salpukan.

Sa lakas ng impact, nawasak ang harapang bahagi ng van dahilan para tuluyang maipit ang mga biktima rito.

Tumagal nang halos isang oras bago tuluyang naialis mula sa pagkakaipit sa nawasak na van ang dalawang biktima.

Ayon sa mga sugatang biktima, mabilis umano ang takbo ng bus kung kaya nang sumalpok sila ay halos tumalsik sila sa loob.

Samantala, mabilis namang tumakas ang driver ng bus, habang ang mga biktima naman ay dinala sa naturang ospital para malapatan ng lunas.

vuukle comment

AYON

CARLO CUSTUDIO

CHIEF INS

ELGIE KUINI

FERDINAND AURELLOSA

JAYROSS LUCKY

LORENA TUGADE

MARITES MAREGMIN

NISSAN URVAN

NORTH FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with