^

Metro

4 na kelot nagbigti sa Maynila at QC

-

MANILA, Philippines - Apat na lalaki ang iniulat na pawang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila at sa Quezon City.

Sa San Andres, Malate matinding hinanakit sa ina ang pinaniniwalaang nagtulak sa isang 19-anyos na binata na magbigti sa loob ng kanilang bahay, kahapon ng umaga.

Idineklarang patay sa Ospital ng Maynila dakong alas-8:26 ng umaga ang bik­timang si Brian Argamon.

Sinabi ng ilang kapitbahay ng biktima na naging malulungkutin si Brian nang mag-asawa muli ang kanilang ina na nakatira sa Cavite­ at naiwan ang magkapatid sa tiyahin nila. Inaalam din kung ano pa ang posibleng dahilan sa pagpapatiwakal nito.

Sa Quezon City naman, dakong alas-8 ng umaga nang matagpuang nagbigti rin si Rowel Ducut, 25, binata, delivery boy, ng Brgy. Marie Blue St., San Francisco del Monte.

Si Ducut ay nadiskubre ng kanyang lolang si Isabelita Callo habang nakabitin sa iron grill ng inuupahan nitong kuwarto gamit ang kable ng kuryente. Bago ito, nagtalo umano ang nasawi at live-in partner nito hinggil sa problema sa kanilang pamilya at pera na pinaniniwalaang dahilan ng pagpapakamatay nito.

Sa Quezon City pa rin,   isang Jayson Briones, 19, binata, vendor, ng San Rafael St., Brgy. Old Balara ang natagpuan ding walang buhay habang nakabitin sa kisame ng kanilang kuwarto noong Araw ng mga Puso ganap na alas-3 ng hapon.

Napag-alaman na bago rin ito ay nagtalo ang nasawi sa kanyang live-in partner dahil sa problema sa buhay.

Sa Maynila pa rin, isang 37-anyos na lalaki ang sinasabing nagbigti sa mismong araw ng kanyang kaarawan sa loob ng isang hotel, sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang nasawi batay sa nakuhang driver’s license sa kaniyang wallet, na si Leonard Brandon Chua , na residente ng Ibayo, Marilao, Bulacan. Natukoy ang birthday nito base sa kanyang lisensiya.

Dakong alas-3:20 noong Linggo nang solong magcheck-in ang biktima sa Room 312 ng isang hotel sa Maria Orosa St., Ermita, Maynila at kinabukasan na natuklasan ang ginawa nitong pagpapakamatay. Sa loob ng comfort room nagbigti ang nasawi gamit ang sinturon. (Ricky Tulipat at Ludy Bermudo)

vuukle comment

BRGY

BRIAN ARGAMON

ERMITA

ISABELITA CALLO

JAYSON BRIONES

LEONARD BRANDON CHUA

LUDY BERMUDO

MAYNILA

SA QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with