^

Metro

5-anyos patay sa sunog sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang 5-anyos na batang lalaki ang nasawi, habang umabot sa 2,000 pamilya ang nawalan ng tirahan sa limang oras na sunog na umabo sa may 500 kabahayan sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa ulat ni Supt. Santiago Laguna, QC fire chief, nakilala ang nasawi na si Manny Martinez na natagpuang sunog na sunog ang katawan sa loob ng naabo nilang bahay sa may Sinagtala compound, Brgy. Bahay Toro. 

Sinasabing nagsimula ang sunog ganap na alas- 9 ng gabi sa tahanan ng isa umanong Carlito Mapunting, kalapit-bahay ng pamilya ng biktima nang biglang sumiklab ito na hi­ni­hinalang dulot ng napabayaang kuryente.

Dahil pawang gawa sa light materials ang kabahayan mabilis na kumalat ang apoy at nagtuluy-tuloy ito sa iba pang mga bahay.

Sinabi ng ilang residente, naiwan umanong natutulog ang biktima nang mangyari ang sunog, kung kaya na-trap na ito nang simulang gumuho ang kanilang bahay.

Sa ngayon ang naapek­tuhang mga pamilya ay nakalagak sa covered court ng barangay, habang ang iba ay nagpasyang magtayo ng tent sa lugar na nasunog nilang bahay.

AYON

BAHAY

BAHAY TORO

BRGY

CARLITO MAPUNTING

DAHIL

ISANG

MANNY MARTINEZ

QUEZON

SANTIAGO LAGUNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with