Kontraktor ng Eton, tinuluyan
MANILA, Philippines - Kinasuhan na ng QC hall engineering department ng paglabag sa National Building Code ang kontraktor ng Eton Centris Cyber Pode 2 matapos gumuho ang rampa ng ikalawang palapag ng ginagawang gusali sa lungsod kamakailan.
Ang kaso ay isinampa ng QC Engineering office laban sa Grandway Construction Inc (GKI) dahil sa paglabag sa itinatakda ng building code.
Ayon kay Engr. Isagani Verzosa, matagal na nilang binalaan ang kontraktor tungkol sa kawalan ng building permit, pero hindi ito nagsitalima hanggang sa mangyari ang insidente nang pagguho.
Una rito, pinasinungalingan ni Verzosa ang pahayag ng Architect ng GKI na si Bernabe Kaw na nagsumite na sila ng mga dokumento sa QC government pero di daw ito inaksiyonan ng city hall. Ani Verzosa, ni isang dokumento ay wala pang sinusumite si Architect Kaw.
- Latest
- Trending