40-taon pagkakulong sa holdaper
MANILA, Philippines - Pinatawan ng 40- taong pagkabilanggo ang isang holdaper na pumatay pa ng pasahero ng G-Liner bus na kanyang hinoldap, sa Sta. Mesa, Maynila, noong nakalipas na Pebrero 15, 2004.
Sa 7-pahinang desisyon ni Manila Regional Trial Court Judge Reynaldo Alhambra, ng Branch 54, guilty ang akusadong si Ricardo Marzo sa kasong robbery with homicide at hinatulan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taong kulong dahil sa pamamaril na ikinasawi ng pasaherong si Mary Joyce Lattao na tumanging ibigay ang kanyang mga kagamitan.
Inatasan din ng korte si Marzo na bayaran ang mga naulila ni Lattao ng kabuuang P338,851.44 bilang indemnity ex-delicto, temperate at moral damages, at bilang reimbursement sa nagastos sa ospital , burol at libing.
Sinabi ng testigong si Mario Coquia, konduktor ng bus, na pagbaba ng Nagtahan Bridge ng bus ay nagdeklara ng holdap ang grupo ng akusado at kinolekta ang mga dala-dalahan ng mga pasahero subalit tumayo umano ang biktima at kinompronta pa ang mga holdaper sa pagsasabing ibalik ang kanyang gamit hanggang sa siya ay barilin ng 3 ulit sa ulo.
Mabilis na nagsibaba ang mga holdaper sa gas station sa Pureza St. at kaagad dinala sa pagamutan ang biktima subalit hindi na rin naisalba pa. (
- Latest
- Trending