^

Metro

Bebot inatado ng live-in partner

- Ni Danilo­ Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 31-anyos na babae matapos na pagsasaksakin ng kan­­yang live-in partner ka­ maka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Vil­lamor Airbase General Hos­pital­ ang biktimang si Gilda Gaba-gaba, ng Upper Normad, Merville Access Road. Nagtamo ito ng tatlong saksak sa katawan. 

Bugbog-sarado naman mula sa taumbayan ang suspect na si Ernol Ino, ng nabanggit ding lugar.

Sa ulat ng Pasay police, naganap ang krimen dakong­ alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng CKhai Barrio Balagbag, Pasay kung saan nakita ng suspect na may kasamang ibang lalaki ang biktima. 

Dala ng matinding selos kinompronta ng sus­pect ang biktima at nagbunot ng patalim.

Tinangka ng biktima na tumakbo subalit hinabol ito ng suspect hanggang sa undayan ng saksak.

Sumaklolo naman ang taumbayan at ginulpi ang suspect.

Ayon naman sa suspect hindi niya pinagsi­sisihan ang kanyang gi­nawa dahil matagal na siyang niloloko ng biktima.

vuukle comment

AIRBASE GENERAL HOS

AYON

BARRIO BALAGBAG

GILDA GABA

MERVILLE ACCESS ROAD

PASAY

SHY

UPPER NORMAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with