^

Metro

P1-M tinangay ng mga NBI agents?

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Makikipag-ugnayan ngayon ang Las Piñas City Police sa National Bureau of Investigation (NBI) upang maberipika kung legal ang operas­yon ng mga armadong lalaki na nagpakilalang ahente ng ahensya kung saan tinangay umano ang may P1 milyong ha­laga ng alahas at iba pang gamit sa bahay ng isang Tsinoy kamaka­lawa ng madaling-araw.

Sa ulat ng Las Piñas police, unang nakipag-ug­nayan sa opisyales ng ba­rangay sa Almanza 1 ang may 10 katao na nagpa­kilalang mga ahente ng NBI-National Capital Region bago pinasok ang bahay ng negosyanteng si Ariel Ang sa may B22 L2 Zircon St., St. Mary Homes, ng naturang barangay, dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Bagama’t hindi ina­butan sa naturang bahay ang hinahanap na si Ang, pinasok pa rin umano ng mga NBI agents ang bahay kung saan nawa­wala ang iba’t ibang uri ng alahas na may ha­ lagang P.5 milyon; P100,000 cash; laptop computer; DVD pla­yer at personal computer. 

Ayon kay Ang, wala siyang alam na kasong ki­nakaharap para arestuhin ng NBI at nagtataka kung bakit itinaon ang pag­tungo sa kanyang bahay ng Sabado kung saan wala siya at ang buong pamilya kung nais talaga siyang arestuhin.

Nabatid kay Las Piñas police chief, Sr. Supt. Romulo Sapitula na walang koordinasyon sa kanilang tanggapan ang NBI para sa naturang ope­rasyon na isang “standard operating procedure (SOP)”.

Dahil dito, inaalam na rin ng pulisya sa Land Transporation Office (LTO) kung kanino nakarehistro ang mga sa­sakyang gamit ng mga salarin matapos na makuha ang mga plaka na NIA-520 at XSL-137.

ARIEL ANG

CITY POLICE

KUNG

LAND TRANSPORATION OFFICE

LAS PI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION

ROMULO SAPITULA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with