Lim nagbabala vs maruruming resto
MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Manila Mayor Alfredo S. Lim laban sa mga restaurant na maging malinis at sumunod sa regulasyon upang maiwasang maipasara.
Ang babala ay ginawa ni Lim matapos na ipasara ang Mr. Fo’s Refreshment sa No. 569 Quezon Boulevard sa Quiapo na pagmamay-ari ni Jefferson Tim.
Nabatid kay Lim na hindi lamang ang restaurant ang nakitaan ng paglabag ng kawalan ng business permit kundi maging ang mga empleyado nito na nagtatrabaho ng walang health certificates.
Ayon naman kay Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric De Guzman, lumilitaw sa report ni sanitary inspector Alma Flor Paloma na barado ang banyo at maging ang drainage system ng naturang restaurant na pinamamahayan ng mga ipis at iba pang uri ng insekto.
Napag-alaman na ma kailang ulit na ding ininspeksiyon at binalaan ang establisimyento subalit walang ginawang pagsasaayos hanggang sa magdesisyon ang city government na ipasara ito.
Sinabi ni Lim na dapat panatilihing malinis ang mga ganitong uri ng establisimiyento sa lahat ng oras dahil maaaring magkasakit ang publiko.
- Latest
- Trending