^

Metro

5 fastfood chain, bookstore tinaningan sa paggamit ng plastic

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Binalaan at nagbigay ng ultimatum ang Muntinlupa City government laban sa limang sikat na fastfood restaurant at isang kilalang bookstore na ipapasara ang mga ito at mapapa­ralisa ang kanilang operasyon dahil sa paglabag sa ordinansang pinatutupad hinggil sa pagba-ban ng paggamit ng plastic at styrofoam sa nabanggit na lungsod.

Pansamantalang hindi muna pina­ngalanan ng Muntinlupa City government ang nabanggit na mga establisimyento kung saan ang mga ito ay kabilang sa 775 violators na nahuling lumabag sa nabanggit na ordinansa habang inaantabayanan ang kanilang compliance sa Ordinance No. 10-109 ngayong linggo matapos bigyan sila ng ultimatum sa hindi pagtupad dito.

Ito ay kinumpirma ni Muntinlupa City Public Information Office Chief Omar Acosta sa paglulunsad sa Asso­ciation Information Officers of Metro Manila (AIMM) sa Parañaque City na nagsa­bing kung hindi tutugon ay maaaring ipasara ang kanilang negosyo at revocation sa kanilang permit at licenses.

Nabatid na ang dalawang fastfood restaurants ay matatagpuan sa Brgy. Putatan sa harap mismo ng city hall habang ang dalawa pa ay nasa national road sa Brgy. Poblacion, ang bookstore ay nasa Tunasan.

Napag-alaman na ang mga nasa­bing establisimiyento ay pawang mga second-time offenders sa isinagawang sorpresang pag-inspeksiyon ng ESC at BPLO.

ASSO

BINALAAN

BRGY

INFORMATION OFFICERS OF METRO MANILA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF OMAR ACOSTA

NABATID

NAPAG

ORDINANCE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with