^

Metro

2 miyembro ng 'Estribo gang' arestado

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines –  Dalawa sa apat na miyembro ng Estribo gang ang nadakip ng mga awtoridad sa ilang segundong habulan makaraang holdapin nito ang isang pampasaherong jeepney sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang mga suspect na sina Jerry Bulaquena, 27, bartender; at Michael Cabasag, 21, habang tinutugis pa ang dalawang kasamahan ng mga ito.

Ang mga suspect ay personal na itinuro ng biktimang si Robert Ejar, 41, security guard na siyang nangholdap sa kanya sa loob ng isang pampasaherong jeep.

Ayon kay Ejar, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng E. Rodriguez Blvd., sa harap ng Delos Santos Medical Center, Brgy. Damayang Lagi ganap na alas-10 ng gabi habang sakay siya sa jeep kasama ang apat na suspect na nagpanggap na pasahero at doon siya hinoldap.

Tiyempo namang nagpapatrulya sa lugar sina PO3 Pa­nelo, PO2 Soriano at PO2 Largo at naispatan ang komosyon dahilan para habulin nila ang mga suspect at maaresto ang dalawa sa mga ito habang nakatakas ang dalawa pa.

vuukle comment

AYON

BRGY

DALAWA

DAMAYANG LAGI

DELOS SANTOS MEDICAL CENTER

EJAR

JERRY BULAQUENA

MICHAEL CABASAG

ROBERT EJAR

RODRIGUEZ BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with