Ginagawang gusali ng Eton, gumuho

MANILA, Philippines –  Muling binulabog ang mga manggagawa sa Eton Centris sa Quezon City matapos na gumuho ang isang palapag sa ginagawa nilang gusali dito kahapon ng umaga­.

Ayon sa ulat, ang gumu­ho ay kabilang sa 13 palapag na ginagawang gusali ng Eton, matapos na bumigay umano ang tuntu­ngan nito habang binubuhusan ng semento ng mga construction worker ganap na alas-8 ng umaga.

Gayunman, wala namang iniulat na nasaktan sa naturang pagguho.

Maaalalang, 11 katao ang nasawi nang gumuho ang isang gusali sa construction site ng Eton Properties Philip­pines Inc. sa Makati nitong nakaraang Enero.

Agad na sinuspinde ng awtoridad ang proyekto kasabay ng pagsasampa ng kaso laban sa kompanya at kon­traktor nito.

Show comments