^

Metro

2 OFWs nanuhol sa NAIA, huli

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines –  Dalawang prospective overseas Filipino workers na nagpanggap na magkasintahan at umano’y magbabakasyon patungong Bangkok ang inaresto at sinampahan ng kaso matapos tangkain ng mga ito na suhulan ang isang immigration officer na pumigil sa kanila habang papasakay na ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport( NAIA).

Sinabi ni Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma na kinalaunan ay inamin na rin ng dalawa na plano nilang magtungo sa Kuwait upang magtrabaho kahit na wala silang balidong work permits. Sina Marlon Abarentos at Rosalie Castillo ay inaresto habang papasakay ng Thai Airways flight patungong Bangkok matapos nilang tangkaing suhulan si Immigration officer Raul Medina ng US$200.

Sinabi naman ni Atty. Maria Antonette Bucasa, BI airport operations division na sina Abarentos at Castillo ay nakalampas na sa departure ng Immigration counter at naglalakad na patungo sa boarding gate nang lapitan sila ni Medina.

Napuna umano ni Medina na nagpapanggap lamang na magkasintahan ang dalawa at patungo sa isang paglalakbay sa ibang bansa at ipinakita sa kanya ng dalawa ang two-way plane tickets at vouchers para sa tatlong araw na hotel reservation sa Bangkok.

Matapos na sitahin nito ay kaagad umano siyang inabutan ng puting envelope na naglalaman ng US$200 subalit tinanggihan ito ni Medina. Dahil dito kaya’t napilitan na umano ang dalawa na aminin kay Medina sa pagtatanong nito na patungo sila sa Kuwait at nakatakdang magtrabaho doon at ang kanilang work visas at employment papers ay bibigay na lamang pagdating nila sa Bangkok kung saan sila magko-connecting flight patungo sa tunay nilang destinasyon.

ABARENTOS

DAHIL

MARIA ANTONETTE BUCASA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RAUL MEDINA

RONALDO LEDESMA

ROSALIE CASTILLO

SINA MARLON ABARENTOS

SINABI

THAI AIRWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with