^

Metro

Mag-utol na pumaslang sa Smart supervisor sumuko

-

MANILA, Philippines - Depensa lamang umano sa sarili at pagtatanggol sa nakababatang kapatid ang dahilan kung kaya napatay ng isa sa magkapatid na suspect ang 28-anyos na umano’y bading at supervisor ng Smart Telecommunications noong Enero 30, sa isang condominium sa Sta. Ana, Maynila.

“Ipinagtanggol ko lang po ang kapatid ko na pinagsasamantalahan niya at tinutukan pa niya ng kutsilyo sa leeg,” anang suspect na si Paul Bryan Laxamana, 18.

Si Paul at ang kapa­tid na isa pang suspect at itinago sa pangalang “Bobot”, 16, ay humingi ng tulong kay Mayor Complaint Action Team chief, Ret. Franklin Gautan sa kanilang pagsuko at ini­harap kay Manila Mayor Alfredo S. Lim kahapon.

Kap­wa suspect sa pagpatay sa biktimang si Albert Clarence Bondoc, ng San Andres Bukid, Maynila na nagtamo ng maraming saksak sa katawan sa loob ng kanyang silid.

Itinanggi rin ni Paul na pinagnakawan nila ang biktima bagkus ay nagpa­liwanag ito na dalawang beses pa lamang silang nagkikita ng biktima at hindi umano sila mga ‘call boy’ ng kanyang kapatid.

Pinangakuan umano siya ng biktima na ipapasok sa trabaho at niyaya na magtungo sa kanyang condominium. Sa takot umano na mag-isa ay isinama niya ang kapatid nang magtungo sa bahay ng biktima. Inasahan niyang sa pagdating nila ay ipakikilala siya sa isang ma­nager ng restaurant na papasukan subalit wala naman umano silang dinatnan. Napilitan silang sumama sa kuwarto ng biktima na doon naman tinangkang halayin ang kanyang kapatid. (Ludy Bermudo at Doris Franche)

vuukle comment

ALBERT CLARENCE BONDOC

DORIS FRANCHE

FRANKLIN GAUTAN

LUDY BERMUDO

MANILA MAYOR ALFREDO S

MAYNILA

MAYOR COMPLAINT ACTION TEAM

PAUL BRYAN LAXAMANA

SAN ANDRES BUKID

SI PAUL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with