^

Metro

Pagdadala ng baril sa sementeryo, ibabawal na

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Simula ngayon ay ipagba­bawal na ng pamunuan ng Lo­­yola Memorial Park ang pag­da­dala ng baril sa loob ng sementeryo.

Base sa rekord ng Loyola, bukod kay dating AFP chief of staff Angelo Reyes ay may nauna na ring naganap na insidente ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng nasabing memorial park.

Ang unang insidente ay naganap noong Abril 2005, kung saan ay nagbaril din sa kanyang sarili ang dating presidente ng nagsarang Urban Bank na si Teodoro C. Borlongan.

Tulad ng ginawa ni Reyes, sa harap din ng puntod ng ma­gulang ni Borlongan siya nagpakamatay matapos na magkaroon ng matinding problema hinggil sa kanyang trabaho na nag-ugat para umano magsara ang nasabing bangko.

Kung ang dating kalihim ay sa dibdib nagbaril, si Borlongan ay sa sentido at kalibre 45 baril din ang ginamit sa pagpapaka­matay.

Bago naganap ang suicide ay nagsindi ng kandila, nag-alay ng bulaklak at nagdasal si Borlongan sa puntod ng kanyang mga magulang at ma­tinding depresyon din umano ang nagtulak para wakasan ang sariling buhay.

Dahil sa pangyayari, sinabi ni Arman Hermongala, security guard, na sinabihan na sila ng pamunuan ng Loyola na mahigpit na siyasatin ang mga dalang gamit ng mga papasok sa sementeryo maging ito man ay opisyal ng pamahalaan ay huwag pahintulutan na mag­pasok ng baril upang maiwasan na ang pagpapakamatay sa loob ng nasabing memorial park.

ABRIL

ANGELO REYES

ARMAN HERMONGALA

BORLONGAN

DAHIL

LOYOLA

MEMORIAL PARK

SHY

TEODORO C

URBAN BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with