^

Metro

2 patay, 3 sugatan sa pamamaril sa Pasig City

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dalawa ang patay, habang tatlo ang sugatan nang pagbaba­rilin ng tatlong ’di-kilalang suspek ang isang umano’y kilabot na drug pusher na rito nadamay ang isang rumespondeng miyembro ng Barangay Security Force (BSF) sa loob ng isang compound sa Pasig City kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Norvin Adriano, alyas “Kilabot,” umano’y kilalang drug pusher sa kanilang lugar at ang rumespondeng miyembro ng BSF na si Lorensito Reyes, ng Brgy. Santolan, Pasig City.

Sugatan naman at kasalukuyang ginagamot sa Pasig City General Hospital (PCGH) dahil sa ligaw na bala ang tatlo pang biktima na sina Rodalyn Peco, Charlo Morales at Jayson Avila, traffic enforcer.

Naganap ang pamamaril sa loob ng Robles Compound sa Brgy. Santolan, Pasig City, dakong alas-6 ng gabi, nang bigla umanong dumating ang tatlong hindi kilalang mga suspek at agad pinagbabaril si Adriano.

Nagkataon naman umanong papalabas ng kanilang bahay ang dalawa pang biktima na sina Peco at Morales kung kaya’t tinamaan ang mga ito ng ligaw na bala.

Rumesponde naman sa crime scene si Reyes nang maka­rating sa kanyang kaalaman ang pangyayari sakay ng kanyang motorsiklo at hinabol ang papatakas na mga suspek na lulan ng isang pampasaherong jeepney.

Nadaanan umano ni Reyes si Avila at sumama na rin ito sa pag­habol sa mga suspek. Pagsapit ng jeepney sa Amang Rodri­guez Ave., Brgy. Manggahan ay naabutan ng mga ito ang mga suspect na agad namang bumunot ng baril at pinagbabaril ang dalawa na ikinasawi ni Reyes at ikinasugat naman ni Avila. 

AMANG RODRI

AVILA

BARANGAY SECURITY FORCE

BRGY

CHARLO MORALES

LORENSITO REYES

PASIG CITY

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with