^

Metro

Lola, 3 apo natupok sa sunog

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nalitson nang buhay ang isang 65-anyos na retired teacher kasama ang tatlong apo nito matapos na makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Kinilala ni Parañaque City Fire Marshal Supt. Manuel Manuel ang mga nasawi na sina Venus Bacolod at mga apong sina Kim Gilbert Mendova, 14; Robert Mendova, Jr., 12; at Pilbert Mendova, 9, pawang nakatira sa Block 2, Lot 2, Hernandez Avenue, ng nabanggit na siyudad. 

Naganap ang insidente dakong alas-3 ng umaga habang mahimbing na natutulog sa ikalawang palapag ng bahay ang mga biktima nang sumiklab ang apoy na hinihinalang sanhi ng faulty electrical wiring.

Napag-alaman, na ilang mga kapitbahay ng mga bik­­tima ang nagtangkang gi­singin ang mga nasawi subalit mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa lamang ang bahay sa light materials at may kalumaan na ito.

Umabot lamang sa ikalawang alarma ang naturang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-3:51 ng umaga at nadamay din ang katabing bahay. Natagpuan ang mga sunog na bangkay ng mga biktima sa unang palapag ng bahay.

vuukle comment

CITY FIRE MARSHAL SUPT

HERNANDEZ AVENUE

KIM GILBERT MENDOVA

KINILALA

MANUEL MANUEL

NAGANAP

PILBERT MENDOVA

ROBERT MENDOVA

VENUS BACOLOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with