^

Metro

Mag-live-in partner timbog sa P25-M na cocaine

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang empleyado ng Bureau of Customs at kinakasama nito ma­tapos na mahulihan ng limang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P25 mil­yon sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa.

Ang mga suspect na sina Jessie Abuyong,  40, at Maria Lorejas, 43, kapwa residente ng Kawit Cavite.

Sinasabing si Abuyong ay empleyado ng BOC na may plantilla bilang clerk III sa Ninoy Aquino International Airport, habang si Lorejas naman ay natalong kandidato sa pagka-alkalde sa munisipalidad ng Mahaplang, Leyte. Ang dalawa ay nadakip ng tropa ng Metro Manila Regional Office ng PDEA sa pamumuno ni Supt. Wilkins Villanueva sa may Sir Williams Hotel sa Timog Quezon City.

Ang mga suspect ay matagal nang under surveillance ng grupo dahil sa impormasyong nagtatago ito ng cocaine na kabilang sa itinapon ng barko ng Tsinoy sa bahagi ng Samar.

Nang magpositibo ang impormasyon ay agad na pinlano ang isang buy bust operation kung saan isang poseur buyer ng PDEA na nagpanggap na Japanese national ang bibili.

Ganap na alas-10 ng gabi nang isagawa ang ope­­rasyon kung saan sa mismong hotel ng mga suspect isinagawa ang palitan ng items na naging ugat ng nasa­bing pagsalakay at naaresto ang mga suspect kasabay ng pag­kaka­samsam sa nasabing mga droga.

BUREAU OF CUS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JESSIE ABUYONG

KAWIT CAVITE

MARIA LOREJAS

METRO MANILA REGIONAL OFFICE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

SIR WILLIAMS HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with