^

Metro

'Little Mayor' ng Mandaluyong, utas sa ambush

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines –  Inambus at napatay ng tatlong hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng motor­siklo ang chief political adviser ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner sa Barangka Drive, Barangka Village, Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ng biktimang si Joselito “Jun” Torres, 50, tinaguriang ‘little mayor’ sa lungsod.

Sa ulat ni PO2 Danilo Patoc ng Criminal Investigation Unit ng Mandaluyong City Police, nabatid na ang pana­nambang ay naganap alas-9:45 ng gabi habang nakahinto ang kulay gray na sasakyan ng biktima sa harap ng kanyang computer shop sa Barangka Drive nang lapitan ng isa sa tatlong suspek na sakay ng motorsiklo saka ito binaril sa ulo.

Sinasabing ang gunman ay nakasuot ng light-brown na polo shirt habang ang da­lawang lookout ay naka-t-shirt na puti at pawang naka-maong na pantalon ay mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Naisugod pa si Torres sa Mandaluyong City Gene­ral Hospital ngunit inilipat din sa University of Santo Tomas Hospital sa Maynila, pero nalagutan din ng hini­nga ganap na alas-12:45 ng madaling-araw.

Labis na ikinalungkot ni Mayor Abalos ang ginawang pagpatay kay Torres na kanya­ ring matalik na kaibigan kaya iniutos nito sa mga awtoridad ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon at pagtugis sa mga salarin.

Naniniwala naman ang alkalde na may motibong political sa naganap na pag­patay kay Torres.

Sinasabing nakuhanan ng CCTV footages ang gun­­man at dalawa nitong kasama na siyang sentro ng ginagawang imbestigasyon ngayon ng pulisya.

vuukle comment

BARANGKA VILLAGE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DANILO PATOC

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY GENE

MANDALUYONG CITY POLICE

MANDALUYONG MAYOR BENHUR ABALOS

MAYOR ABALOS

SANTO TOMAS HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with