^

Metro

17-anyos pinagtripan, patay sa gulpi ng gang

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 17-anyos na binatilyo matapos itong pagtulungang gulpihin at barilin ng isang grupo ng mga kabataan sa isang riot na naganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si John Patrick Pederiane, ng Ligaya St., 7th Avenue, Grace Park, Brgy. 122 ng nasabing lungsod na bukod sa gulpi ay nagtamo rin ng tama ng bala ng pen gun.

Agad namang nadakip ang dalawang suspek na sina Armando Joshua Cruz, 16; at Erzy Fremista, 16, kap­wa naninirahan sa naturang lugar.

Hinahanting pa ng pulisya ang iba pang suspek na sina Ar-Jay Faustino; “alyas Gian”; “alyas Toktok”; “alyas Ivan” at labing-walo pang hindi nakilalang kabataan.

Naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa panulukan ng 6th St. at 7th Avenue, Grace Park habang naglalakad ang biktima nang makasalubong nito ang isang grupo ng kabataan na nagka­kaingay.

Nakursunadahan ng mga ito ang biktima na basta na lamang pinagtulungang bugbugin at barilin.

Matapos ito, agad namang naaresto ng mga awto­ridad ang mga suspek na sina Cruz at Fremista habang naka­takas naman ang mga ka­samahan ng mga kabataang ito.

vuukle comment

AR-JAY FAUSTINO

ARMANDO JOSHUA CRUZ

BRGY

CALOOCAN CITY

CRUZ

ERZY FREMISTA

FREMISTA

GRACE PARK

JOHN PATRICK PEDERIANE

LIGAYA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with