^

Metro

Taxi driver iginapos, binusalan ng holdaper na pasahero

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nakagapos ang mga kamay at paa, saka nakatakip ng packaging tape ang bibig nang matagpuan ang isang taxi driver sa loob ng kanyang minamanehong sasakyan ma­tapos na iwan ng kanyang mga holdaper na pasahero sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Dahil sa dinanas na hirap at mga pasa sa braso, agad na dinala sa ospital para magamot ang biktimang si Christopher Lao, 32, ng Block 2, Lot 13, Villa Española, Muzon, San Jose Del Monte Bulacan.

Ayon sa ulat, ang biktima ay natagpuan ng mga pedestrian sa loob ng kanyang RMG taxi (TXX-343) habang nakaupo sa likuran at nakagapos ganap na alas-2:30 ng madaling- araw sa may Masiglat St., kanto ng Masantol St., sa lungsod.

Sinabi ni Lao, dalawang armadong sus­pect ang umano’y humoldap sa kanya matapos na sumakay sa bahagi ng Tramo sa Pasay at nagpahatid sa Commonwealth sa Quezon City.

Pagsapit sa QC Circle ay bigla umanong nagsabi ang isa sa mga suspect na iihi pero dahil alanganin ang lugar ay sinabi ni Lao na sa bandang overpass na lang huminto dahil mayroong toilet doon.

Gayunman, biglang nagbunot ng baril ang mga suspect at sabay deklara ng holdap.

“Sabi pa nila, ’wag ka nang gumalaw, pera pera lang ’yan, madidisgrasya ka lang. Kaya ’di na ’ko pumalag at binigay ko na ang pera ko, P2,800 din po ’yun, pang-boundary na sana,” sabi pa ni Lao.

Nang makuha ang pakay kay Lao, hindi pa nakuntento ang mga suspect at iginapos pa ito, bago nagsitakas.

vuukle comment

AYON

CHRISTOPHER LAO

DAHIL

GAYUNMAN

MASANTOL ST.

MASIGLAT ST.

QUEZON CITY

SAN JOSE DEL MONTE BULACAN

VILLA ESPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with