^

Metro

QC binulabog ng 4 na bomb threat

-

MANILA, Philippines - Binulabog ng apat na magkakasunod na bomb threat ang tropa ng Quezon City Police District matapos ang mga tawag na natanggap buhat sa mga kompanya ng bus at mall sa lungsod, iniulat kahapon.

Gayunman, ayon sa District Public Safety Battalion (DPSB) ng QCPD, ang mga nasabing banta ay negatibo matapos ang ginawang pagsisiyasat ng Explosive Ordnance Division.

Ayon sa DPSB, unang nakatanggap ng bantang pagpapasabog ang Eton Centris Bldg. na nasa bahagi ng EDSA corner Quezon Avenue, Brgy Pinyahan ganap na alas-2:50 ng umaga sa pamamagitan ng text messages na natanggap ng dalawang empleyada nitong sina Nilda Aspeg at Jenielyn Gabriel.

Ganap na alas-2:50 naman ng hapon nang makatanggap ng bomb threat ang cashier na si Venice Aumentado ng Superlines Bus Company Inc. sa may #693 EDSA, Cubao mula sa isang babaeng caller na nagsabing “may bomba d’yan, nagmamalasakit lang ako, baka maraming ma­damay na sibilyan.”

Sumunod nito, ganap na alas-8:15 ng gabi ay ru­mespon­deng muli ang tropa ng EOD matapos ang ulat na may bag na naiwan na hininalang naglalaman ng bomba ang nakita sa may Bus Bay Baliwag Transit Brgy. Sto. Cristo at sa harap ng isang bahay sa Del Monte Avenue, corner San Pedro Bautista, Brgy. Masambong.

Sa pagresponde ng tropa ng EOD ay napatunayang ang bag ay naglalaman lamang ng mga damit at ilang gamit.

Hindi naman nakaligtas sa bomb scare ang US Embassy matapos na isang itim na bag ang iniwan at pinagkamalang bomba sa Plaza Ferguson sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila kahapon ng umaga.

Nabatid na mga damit at ilang personal na gamit ang laman ng kinatakutang bag. (RICKY TULIPAT AT LUDY BERMUDO)

BRGY PINYAHAN

BUS BAY BALIWAG TRANSIT BRGY

DEL MONTE AVENUE

DISTRICT PUBLIC SAFETY BATTALION

ETON CENTRIS BLDG

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

JENIELYN GABRIEL

NILDA ASPEG

PLAZA FERGUSON

QUEZON AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with