^

Metro

Fetus plinas sa inidoro ng ina

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tinangkang takasan ng isang guest relation officer (GRO) ang krimeng ginawa makaraang tangkaing i-flush sa inidoro ang kanyang inilaglag na fetus na nadiskubre ng nagkumpuning tubero dahil sa pagbabara nito, kamakalawa ng tanghali sa Pasay City.

Kulungan ang kinasadlakan ngayon ng 30-anyos na si Jemma Gonzales, GRO sa Jomari Videoke Bar sa may Rotonda, Pasay City at nangu­ngupahan sa Primero de Mayo Street, sa naturang lungsod.

 Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na dakong alas-12:12 nang mag­tungo ng banyo si Gonzales makaraang makaramdam ng pananakit ng sikmura. Dito umano nalaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan na tinangka nitong itago nang i-flush ang inidoro.

Sumunod na gumamit naman ng banyo ang may-ari ng bahay na si Aling Poleng kung saan nadiskubre na barado ang inidoro. Dito nagpatawag si Aling Poleng ng tubero kung saan binaklas ang inidoro at natuklasan ang nakabarang fetus.

Sa loob ng istasyon, ina­min ni Jemma na uminom siya ng dalawang uri ng gamot at alak dahil sa pakiramdam niya ay nilalagnat siya kahit alam niya na nagdadalang-tao siya.

vuukle comment

ALING POLENG

DITO

GONZALES

JEMMA

JEMMA GONZALES

JOMARI VIDEOKE BAR

KULUNGAN

MAYO STREET

PASAY CITY

SUMUNOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with