^

Metro

German national hulog mula 16th floor, lasog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang German national na umano’y lango sa alak makaraang malaglag buhat sa ika-16 na palapag ng tinitirhang hotel sa Makati City, kahapon ng tanghali.

Nagkalasug-lasog ang katawan ng biktimang nakilalang si George Mueller, nanunuluyan sa Rich Tower na nasa panulukan ng EDSA at Ayala Avenue, Urdaneta Village sa naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Makati police, naganap ang insidente dakong alas-12:30 kahapon ng tanghali. Nabatid na nakainom umano ang biktima at nag-umpisang magwala kaya napilitang umalis ng kanilang unit ang misis nitong PInay at ibang mga kasambahay.

Nabalitaan na lamang umano ng mga kaanak na may nalaglag sa gusali at nagulat sila nang madiskubre na si Mueller ang nasawi.

Ayon pa sa misis ng biktima, isa umanong alcoholic si Mueller at palaging nagiging bayolente kapag nakakainom. Kagagaling lamang nila sa Makati Medical Center kamakalawa kung saan ipina-check-up ito. Nakatakda pa sanang umalis patungong Bangkok, Thailand ang pamilya upang ipa-rehab si Mueller nang maganap ang aksidente.

Bagama’t hindi isinasa­isantabi na aksidente ang na­­ganap, sinabi ng pulisya na malaki ang indikasyon na maa­aring suicide umano ang nangyari.

vuukle comment

AYALA AVENUE

AYON

BAGAMA

GEORGE MUELLER

KAGAGALING

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

MUELLER

RICH TOWER

URDANETA VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with