^

Metro

Digital camera ng pinaslang na bading narekober, 2 suspect nakilala

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nasa kamay na ng MPD ang mga larawan ng dalawang ‘gwapings’ na suspects na sinasabing may kinalaman sa pag­pas­lang sa isang 31-anyos na bading noong Enero 30, nang aksidenteng marekober ng ama ng biktima ang isang digital ca­mera na hinihinalang tinakpan ng plato ng anak, habang sila ay nagkakainitan ng mga suspect, sa Unit nito sa San Andres, Bukid, noong Linggo ng madaling-araw. Ayon kay MPD-Homicide Section chief, P/Insp. Armand Macaraeg, nakakalat na ang kaniyang mga tauhan sa sinasabing pi­nagtatambayan ng mga suspect, na base sa larawan ay mga mestisuhin at kapwa nasa 18 hanggang 20 lamang ang edad. Sila ang itinuturong kasama ng biktimang si Albert Clarence Bondoc, 31, supervisor ng Smart credit and credit collection department, tubong Pampanga at residente ng no. 1-8 2372 Nickel st.San Andres Bukid, bago ito matagpuang patay sanhi ng pitong  saksak sa loob ng kaniyang silid. Dahil sa umaagos na tubig mula sa gripong napabayaang nakabukas kaya nadiskubre ng mga kapitkuwarto na patay ang biktima. Ang dalawa ang sinasabing huling nakitang ka­sama ng biktima. Nabatid na noong araw na iyon ay may mala­king perang natanggap umano ang biktima mula sa kapatid nito sa bansang Ireland na nawala kasama pa ang ilang mahahalagang ka­gamitan tulad ng Apple Ipad, lap top.  

ALBERT CLARENCE BONDOC

APPLE IPAD

ARMAND MACARAEG

AYON

BUKID

DAHIL

HOMICIDE SECTION

SAN ANDRES

SAN ANDRES BUKID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with