^

Metro

Hindi pagsipot ni Torres sa imbestigasyon sa pagkubkob sa Stradcom, pinuna

-

MANILA, Philippines - Nilabag umano ni Land Trans­portation Office chief Virginia Torres ang naging ka­­utusan ng Malacañang sa De­partment of Justice na ma­kipagtulungan ito upang mabigyang linaw ang isinasa­ gawang imbestigasyon dito kaugnay sa umanoy pakiki­pagsabwatan nito sa nabi­gong pagkubkob ng isang grupo ng mga negosyante sa Stradcom building noong ika 9 ng December, 2010.

Sa isang memorandum na may petsang January 19, 2011, ayon kay Presidential Ma­nagement Staff Head  Julia Abad, ipinag utos ni Pangulong Noynoy Aquino sa Department of Transportation and Communications (DoTC) at sa Department of Justice na magsagawa ng imbestigasyon sa Stradcom-LTO take over.

Ang nabanggit na memorandum ay ipinadala sa tanggapan  ni DOJ undersecretary Francisco Baraan sa kanilang huling isinagawang hearing noong ika-28 ng Enero, taong kasalukuyan sa gusali ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ni Torres, sa pama­magitan ng kanyang abogado na hindi na siya kailanman dadalo sa anumang gagawing pagdinig at hiniling nito sa DOJ na itigil na nito ang isinasagawang proceedings dahil wala umanong matibay na basehan ang bintang sa kanya. 

Gayunpaman, muling iginiit ni Baraan na kailangan pa ding dumalo sa mga pagdinig si Torres dahil hindi naman ang isyu ng ownership sa Stradcom ang tatalakayin sa halip umano ay ang pagka­kasangkot niya at ng ilang mga LTO officials sa nabigong pagkubkob sa Stradcom building at pagkakaparalisa ng bu­ong operasyon ng LTO sa bansa.

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

FRANCISCO BARAAN

JULIA ABAD

LAND TRANS

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL MA

SHY

STRADCOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with