^

Metro

Dalagita tumungga ng silver cleaner, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - “ Ate, may nagbigay sa akin ng damit, sayo na lang pati yung suot ko now, maganda to, sayo na rin. Ate pansensya ka na, si K-boy (pamangkin) baka di ko na siya maturuan, matalino si K-boy, pagtiyagaan mo lang.”

Ito ang huling mensahe ng isang 17-anyos na si Jenny Rose Aspe, ng Baseco Compound, Tondo sa kaniyang kapatid na babae bago ito magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom   ng silver cleaner, kahapon ng umaga.

Nabatid sa narekober na cellphone ng biktima na ilang mga kaibigan nito ang pinadalhan pa niya ng text at iniimbita para sa kaniyang kaarawan sa darating na Pebrero 15 na kaniyang ‘debut’.

Sa ulat ng pulisya dakong alas-11:30 ng umaga kahapon nang marinig ni Carmen Lazaga, 62, lola ng biktima   ang umuungol na si Jenny sa loob   ng kuwartro nito kaya nagpatulong ito upang mabuksan ang pintuan at doon nakita ang nakahandusay na biktima.

Agad itong isinugod sa Jose Abad Santos Mother and Child Hospital subalit hindi na umabot pang buhay.

Nabatid na dakong alas-10:00 ng umaga ay naligo muna ang biktima bago ito nagkulong sa silid at nagpatiwakal.

Aminado naman ang ama ng biktima, na kinilalang si Ramonito Aspe, 43, na napagalitan niya ang anak dahil sa pag-uwi ng dis-oras ng gabi, na posibleng dinamdam nito ng husto. Hiwalay ang ama at ina ng biktima at kasama nito ang ama, kapatid, pamangkin at lola.

vuukle comment

AMINADO

BASECO COMPOUND

BIKTIMA

CARMEN LAZAGA

HIWALAY

JENNY ROSE ASPE

JOSE ABAD SANTOS MOTHER AND CHILD HOSPITAL

NABATID

RAMONITO ASPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with