^

Metro

3 kolehiyo sa Metro Manila binulabog ng bomb threat

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa sinuman na nais magpakalat ng dagdag na kaguluhan sa pama­magitan ng “prank calls” na mananagot sa batas sa oras na makilala sa tulong ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ito’y makaraang bulabugin ng “bomb threats” ang Assumption College sa San Lorenzo Village, Makati City. Isa umanong estudyante ang nakatanggap ng tawag at kanyang ipinaalam sa guro.

Dahil dito napilitan ang pamunuan ng kolehiyo na kanselahin ang klase at pauwiin ang mga estudyante habang sinusuyod ng mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division ng Makati police ang buong paaralan.

Bukod sa Assumption, sinasabing nakatanggap rin ng “bomb threats” ang Mirriam College at Mapua Institute of Technology na nag-negatibo rin sa umanoy bomba. Itinanggi naman ng pamunuan ng Ateneo de Manila University na nakatanggap sila ng “bomb threats”.

Umapela si NCRPO spokesman, Sr.Supt. Dionardo Carlos sa mga taong nasa likod ng “prank calls” na huwag namang du­magdag sa kaguluhan dahil sa palalaon ay matutukoy rin sila at pananagutin sa batas.   

vuukle comment

ASSUMPTION COLLEGE

DIONARDO CARLOS

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

MAKATI CITY

MANILA UNIVERSITY

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

MIRRIAM COLLEGE

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION

SAN LORENZO VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with