^

Metro

Koreano binoga, patay sa loob mismo ng bahay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang Korean national ang nasawi makaraang barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin habang nanonood ng telebisyon sa loob ng kaniyang tinutuluyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Nakilala ang nasawi na si Kyung Il Lim, 39 , ng Alabang Street, Ayala Alabang Village, sa naturang lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo na agad niyang ikinasawi.

Sa ulat ng Muntinlupa police, dakong alas-9 ng gabi nang marinig ng mga kasambahay ng biktima ang isang putok na nagbuhat sa sala ng kanilang bahay. Nang kanilang puntahan, dito nila nakita si Kyung na naliligo sa sariling dugo.

Sa imbestigasyon, sinabi ng magpipinsang sina Choi Jae Won, Gwon Dae Gyu at Kwon Seon Mi na nasa ikalawang palapag sila ng kanilang bahay nang marinig ang putok ng baril. Agad umano silang humingi ng tulong sa security guard ng village upang isugod ang biktima sa pagamutan.

Nakuha ng pulisya sa lugar ng krimen ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 na ginamit sa insidente. Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga suspek kung saan nakatakdang pag-aralan ang “closed circuit television (CCTV) camera” sa tapat ng bahay ng mga Koreano upang mabatid kung sinu-sino ang pumasok sa tahanan.

Isinasailalim rin naman ng pulisya sa masusing imbestigayson ang mga kasamahan sa bahay ng nasawi.

vuukle comment

ALABANG STREET

AYALA ALABANG VILLAGE

BLANGKO

CHOI JAE WON

GWON DAE GYU

ISANG KOREAN

KWON SEON MI

KYUNG IL LIM

MUNTINLUPA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with