^

Metro

Pugad ng mga holdaper, snatcher sa Maynila pinalilinis

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinalilinis ni Manila Mayor Alfredo Lim sa lahat ng mga station commander ng Manila Police District (MPD) ang mga pugad ng mga snatcher at holdaper sa kanilang nasasakupan upang magkaroon ng seguridad ang mga ma­mamayan.

Ang kautusan ni Lim ay bunsod na rin ng mga reklamo ng pang­hoholdap sa Maynila partikular sa Delpan St. kung saan isinasagawa ng mga holdaper ang ‘tutok kalawit’.

Ayon kay Lim, hindi lamang ang lugar ni Supt. Ernesto Tendero ng MPD-Station 1 at na­ka­kasakop sa Delpan ang kanyang pinalilinis kundi maging ang lahat ng mga lugar sa Maynila na posibleng pagsagawaan ng operas­yon ng mga sindikato at criminal.

Sinabi ni Lim, dapat na maibalik sa publiko ang tiwala sa mga pulis at hindi dapat na kinatatakutan.

Kaugnay nito, inutos din ni Lim ang paglalagay ng mga ilaw sa mga lugar na madidilim at madalas daanan. Aniya, ang mga lugar na madidilim ang kadalasang ginagawang lugar ng pang­ho­holdap.

Samantala, sinabi na­­man ni Chief of Staff at Media Information Bureau chief Ric de Guzman na dapat na mag­tu­lungan ang publiko at mga pulis upang tuluyang ma­­sugpo ang kriminalidad sa lungsod.

Aniya, kadalasang hindi na lamang nag­rereklamo ang mga nagiging biktima kung kaya’t patuloy pa rin ang iligal na operasyon ng mga kriminal.

Subalit kung pursigido ang mga biktima masasampahan ng kaso at makukulong ang suspect.

ANIYA

CHIEF OF STAFF

DELPAN ST.

ERNESTO TENDERO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with