Bading kinatay ng 2 kelot

MANILA, Philippines - Dahil sa pag-agos ng dugo mula sa kanyang tinutuluyang condo unit, nadiskubre ang bangkay ng isang bading na pinaniniwalaang kinatay ng dalawang lalaki kahapon ng madaling-araw sa San Andres Bukid, Sta. Ana, Maynila.

Pitong saksak sa ulo at katawan ang tinamo ni Albert Clarence Bondoc, 31, supervisor ng Smart credit and collection department at residente ng no. 1-8 2372 Nickel St. San Andres Bukid, Maynila.

Batay sa imbestiga­syon ni PO1 James La­­gasca, posibleng naganap ang insidente sa pagitan ng 12:00 hang­gang 1:00 ng ma­daling-araw, ilang oras matapos makita ng mga kapitbahay na may dalawang lalaking nag-iinuman sa unit ng biktima.

Ayon sa mga oku­pante sa nasabing gusali, dalawang lalaki na nasa edad 18 hanggang 25 ang dinatnan ng biktima sa loob ng kanyang unit dakong 10:00 ng gabi at bandang 1:00 ng madaling-araw nang makarinig sila ng mga sigawan hanggang sa tumahimik. Nakapapasok sa unit ng biktima ang dalawang suspect dahil bi­nigyan umano ito ng susi.

Dakong alas-5:30 nang madaanan naman ng isa sa mga kapit-kuwarto ang mga dugong umaagos mula sa pintuan ng bik­tima kaya ipinabatid sa caretaker ng gusali, na siyang nag­­­bukas ng pintuan at nadiskubreng patay ang biktima.

Ayon naman kay P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide section, hihilingin nila sa communication network na ma-retrieve ang mga nilalamang mensahe sa cellphone ng biktima para makatulong sa imbestigasyon.

Show comments