^

Metro

Matigas kasi ang ulo: Utol ng hostage-taker sa Luneta binitawan na ng PAO

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Dahil sa pagiging matigas ang ulo, binitiwan na ng Public Attorney’s Office (PAO) bilang kliyente ang kapatid ni dating Senior Inspector Rolando Mendoza na nang-hostage at nakapatay sa walong Hong Kong nationals noong nakalipas na Agosto ng nagdaang taon.

Ayon kay Atty. Owen de Luna, Assistant Director ng Inspection Monitoring Investigation Service (IMIS), National Police Commission (NAPOLCOM), nakarating sa kan­yang tanggapan na biniti­wan na ng PAO bilang kliyente si SPO2 Gregorio Mendoza.

Nabatid na ang pagbitaw ng PAO bilang legal counsel ni Gregorio ay base sa ipinalabas na Me­morandum Circular ng naturang tanggapan.

Napag-alaman na sob­rang tigas umano ng ulo ni Gregorio at hindi aniya ito nakikinig sa legal advise ng mga PAO lawyer, na posib­leng maging dahilan upang malagay ito sa balag ng alanganin.

Nabatid sa NAPOLCOM na posibleng napuno na ang PAO kaya’t binitiwan na si Gregorio.

AGOSTO

ASSISTANT DIRECTOR

AYON

GREGORIO

GREGORIO MENDOZA

HONG KONG

INSPECTION MONITORING INVESTIGATION SERVICE

NABATID

NATIONAL POLICE COMMISSION

PUBLIC ATTORNEY

SENIOR INSPECTOR ROLANDO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with