^

Metro

Doktora timbog sa abortion

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines –  Timbog sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Sta­tion 6, ang isang OB-Gynecologist at ang assistant nito nang tumanggap ng pera sa isang buntis na nag­panggap na magpapalaglag sa San Andres Bukid, Maynila.

Nahaharap na sa mga kasong attempted abortion, malpractice of me­dicine at attempted infanticide sa Manila Prosecutor’s Office ang suspect na kinilala ni P/Supt. Rogelio Rosales, na si Maria Fe Tizon, 42, ng Amatista St., San Andres Bukid, habang ang kanyang medical sec­retary na si Desiree Dagami, 23, ng Floodway, Taytay, Rizal, ay ipinagharap naman ng kasong accessory to crime. 

Bago ang operasyon, isang Geraldine Buson, 30, na 3-buwang buntis ay nagsuplong sa tanggapan ni Rosales hinggil sa iligal na aktibidades ng doktora sa clinic nito na matatag­puan sa #2315 Onyx corner Augusto Francisco St., San Andres Bukid.

Nakalap din ang impor­masyon na alam ng mga residente sa lugar na tu­ma­tanggap umano ng pas­yente si Tizon na nais magpalaglag ng nasa sina­pupunan. Sinalakay ang nasabing klinika matapos magbigay ng signal si Buson na sasaksakan na siya ng gamot para sa abortion.

Nabatid na humihingi umano ng P15,000 ang doktora at sa pagbalik ni Buson ay nagbigay ito ng downpayment na P7,000. Lingid sa kaalaman ng mga suspect na nakaan­tabay naman ang mga opera­tiba upang isagawa ang pagsalakay. Nang sasaksakan na ng injection si Buson ay nagdahilan ito na iihi muna, kaya’t na­gawa nitong i-text ang mga pulis para maaktuhan ang nagaganap.

Isa pang babaeng umano’y kliyente, bagamat ’di pinangalanan ang nadatnan ng mga pulis na nakahiga sa isang kama at naghihintay na rin sa doktora.

AMATISTA ST.

AUGUSTO FRANCISCO ST.

BUSON

DESIREE DAGAMI

GERALDINE BUSON

MANILA POLICE DISTRICT-STA

MANILA PROSECUTOR

SAN ANDRES BUKID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with