^

Metro

Sekyu utas sa truck

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na guwardya matapos itong maatrasan ng truck hanggang sa maipit sa isang poste kahapon ng umaga sa Caloocan City. Nakilala ang nasawi na si Jaypee Bagmac, guwardya ng KSK Corporation, ng Santa Compound, Con­gress Village, Brgy. 173 ng nabanggit na siyudad.

Sumuko naman ang tsuper na si Michael Flores. Sa imbestigasyon dakong alas-9:45 ng umaga ng maganap ang trahedya sa labas ng gusali ng KSK Corporation ng nabanggit na lugar.

Nabatid na minamaneho ng suspek ang isang Fuso de­­livery truck (KKK-839) kung saan paatras itong pu­ma­pa­sok sa compound ng na­bang­git na kompanya na ina­lalayan naman ng biktima. Sa kaaatras hindi nito namalayan na naipit na pala ang sekyu. Mabilis na isinugod ang biktima ng kanyang mga kasamahan sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na rin naisalba pa ang buhay nito.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

FUSO

JAYPEE BAGMAC

MABILIS

MICHAEL FLORES

NABATID

NAKILALA

SANTA COMPOUND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with