^

Metro

4 na kompanya mananagot sa bumagsak na gondola

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Papanagutin ng Makati City government at ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang apat na kompanya na may kaugnayan sa konstruksiyon ng gusali ng Eton Residences na ikinamatay ng 10 traba­hador matapos na mahulog ang mga ito mula sa si­nak­yan nilang gondola o improvised elevator nitong Huwebes, Enero 27.

Nabatid kay Makati City Administrator Marjorie De Veyra, may pananagutang dapat harapin ang mga kom­panyang CE Construction, Arlo Aluminum Corp at sub-contractor nito na EMP Pi­nium Corp. at ang may-ari ng Eton Residences sa nangyaring malagim na aksidente.

Kahapon ay nagsagawa na ng masusing imbestigas­yon at mahigpit na inspection ang dalawang safety engineers ng Makati City Engineering­ Office sa nabaggit na gusali, na matatagpuan sa panulukan ng Gallardo St. at Paseo De Roxas, Legazpi Village ng nabanggit na siyudad.

Umaksiyon na rin ang DOLE sa naturang insidente na nagsabing posibleng ma­nagot ang nabanggit na mga kompanya kapag na­patunayan na nagkaroon sila ng paglabag.

 Bubusisiin din ng DOLE kung tama ang natanggap nilang impormasyon na hindi nagbibigay ng tamang sahod ang mga kompanya, kulang ang bayad sa overtime, walang 13th month pay at kawalan ng iba pang benepisyo na dapat tanggapin ng mga trabahador.

Sa panig naman ng Eton Properties, tiniyak ni Danilo Ignacio, pangulo ng kompanya, ang puspusang pagtulong sa naulilang pamilya ng mga biktima at ang pagsasagawa ng sarili nilang imbestigasyon sa insidente.

Sa inisyal nilang imbes­tigasyon, lumalabas na over­loaded ang dahilan ng pag­bagsak ng gondola lift dahil batid umano ng mga trabahador na tatlo hanggang apat lamang ang kayang isakay nito subalit umabot sa 11-katao ang sakay.

ARLO ALUMINUM CORP

DANILO IGNACIO

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ETON PROPERTIES

ETON RESIDENCES

GALLARDO ST.

LEGAZPI VILLAGE

MAKATI CITY

MAKATI CITY ADMINISTRATOR MARJORIE DE VEYRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with