^

Metro

Pamilya ng 1 nasawi sa bus blast, umapela kay P-Noy

- Ni Mer Layson -

Manila, Philippines -  “Mahal naming Presidente, tulungan po ninyo kami, maawa na po kayo sa amin”.

Ito ang kahilingan at sinisigaw ngayon ng pamilya ng isang FX taxi driver na kabilang sa limang nasawi sa naganap ng pagpapasabog sa Newman Goldliner bus sa Makati City noong Martes.

Si Mang Celestiano Marino, 57, isang balo, ay nakaburol ngayon sa kanilang tahanan sa Chico St., Napiko, Brgy. Manggahan, Pasig City.

Ayon sa kanyang dalawang anak na sina Jerry, 26; at Mary Ann Marino, 23,  walang-wala silang pera sa ngayon para tus­tusan ang burol at pagpapalibing sa kanilang ama.

Anang magkapatid, mala­king dagok na sa kanila ang ma­lagim na pagkamatay ng kanilang ama ay problema pa nila ang pagpapalibing dito.

Sinabi ng magkapatid, bukod sa halagang P60,000 na sini­singil na serbisyo sa kanila ng punerarya ay wala pa ring lupa sa sementaryo na paglilibingan sa labi ng kanilang ama.

Umaapila ngayon kay Pa­ngu­long Noynoy Aquino ang magkapatid na tulungan sila sa kanilang problema at mabilis na pakilusin ang mga awtoridad para dakpin at kasuhan ang mga taong responsable sa naganap na pambobomba. 

Si Mang Celestiano ay sinasabing isang masipag at ulirang ama na bukod sa pagmama­neho ng taxi ay nagtitinda rin ng damit sa bangketa sa tuwing walang pasada.

Napag-alamang ga­ling sa kanilang abogado sa Parañaque City si Mang Celestiano para i-follow-up ang kaso ng kanilang lupa at papauwi na ito noong sumakay ng bus at pag­sapit sa EDSA-Buendia ay doon naganap ang pagsabog.

CHICO ST.

KANILANG

MAKATI CITY

MANG CELESTIANO

MARY ANN MARINO

NEWMAN GOLDLINER

NOYNOY AQUINO

PASIG CITY

SHY

SI MANG CELESTIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with