^

Metro

10 obrero hulog mula 34th floor, tigok

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines –  Sampung construction workers ang nasawi habang isa pa ang nasa kritikal na kon­disyon matapos bumag­sak ang isang gondola mo­torized o improvised ele­vator sa isang ginagawang gusali sa lungsod ng Makati kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Romel Perez; Vincent Pinol; Joel Abesillas; Kevin Mabunga; Michael Tatlonghari; Celso Mabuting; Jay R Li­gato; Jeffrey Diocado; Bonbon Crisostomo at William Ibañez.

Nasa malubha namang kalagayan sa Ospital ng Makati sa Malugay St. ang isa pang biktima na si Ruel Perez.

Sa ulat ng Makati City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-11 ng uma­ga sa Eton Residences building, na matatagpuan sa panulukan ng Gallardo St. at Paseo de Roxas, Legaspi Village sa na­banggit na siyudad.

Nabatid na nakasakay ang 11 biktima sa sinasabing gondola-motorized habang ang mga ito ay naglalagay ng mga salamin. Mula sa 34th floor ay nahulog ang naturang improvised elevator na sakay ang mga biktima hanggang sa lumagpak sa ika-7 at ika-8 palapag. Ilan sa mga biktima ay sumabit pa sa mga bakal.    

Ayon sa mga awtoridad, posibleng nagkaroon ng mechanical problem at nag-overload ang naturang improvised elevator dahil ang kapasidad lamang ng sakay nito ay nasa lima hanggang anim.

Sa insidenteng ito, pansamantalang pinasususpinde ni Makati Mayor Junjun Binay ang operasyon ng naturang gu­sali at posible aniyang ma­nagot ang kontraktor nito dahil nagkaroon umano ito ng kapabayaan sa pagpapatupad ng safety measure.

BONBON CRISOSTOMO

CELSO MABUTING

ETON RESIDENCES

GALLARDO ST.

JAY R LI

JEFFREY DIOCADO

JOEL ABESILLAS

KEVIN MABUNGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with