^

Metro

'Christian Bautista' timbog sa pambubugaw

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Arestado ang  isang lalaki na kapangalan ng sikat na singer na si Christian Bautista matapos ibugaw ang dalawang dalagita sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Nakakulong sa Malabon City Police detention cell ang suspect na si Christian Bautista, 42, ng Asero St., Brgy. Tugatog ng nabanggit na lungsod habang nasa panga­ngalaga naman ng Department of Social Welfare and Development ang dalawang biktima na nasa edad 15 at 17.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon si Brgy. Chairman Sheridan Abad ng Brgy. Tugatog hinggil sa ginagawang pambubugaw ng suspect sa mga biktima na naging dahilan upang humingi ito ng tulong  sa mga pulis.

Dakong alas-10:30 ng gabi, nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis kung saan isang barangay tanod ang nagpanggap na costumer at nang nasa silid na ang mga ito  kasama ang biktimang nasa edad 17 ay agad na nagsipasok ang mga pulis at dinakip si Bautista.

vuukle comment

ARESTADO

ASERO ST.

BAUTISTA

BRGY

CHAIRMAN SHERIDAN ABAD

CHRISTIAN BAUTISTA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

TUGATOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with