^

Metro

10 kinasuhan sa demolisyon

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dahil sa nilikhang gulo nang magpakawala ng bato at bote ang mga apektadong residente, kinasuhan kahapon ang 10 katao na sinasabing nagpasimula ng naganap na marahas na demolisyon sa San Juan City kamakalawa.

 Kinilala ni Chief Insp. Danilo Anselmo, hepe ng Investigation Division ng San Juan ang mga kinasuhan ng illegal assembly at direct assault na sina Akbayan leader Arnold Repeke, 35, at Marites Bacolob, 22; na kapwa nakakalaya pa.

Ang mga nadakip na ipinagharap din ng demanda sa piskalya ng San Juan ay sina Albaro Ampig, 34; Charlie Meloga, 19;  Edwin Bayhonan, 29; Martraviz Wernet, 20; Reynaldo Daham, 25; Dyan Marie Salmoros, 23; Bryan Costa, 23; at Reynaldo Moral, 22; na pawang residente ng Brgy. Corazon de Jesus, San Juan City.

Sinasabing naaktuhan ng pulisya na nambabato ang mga suspect habang isinasagawa ang demolition at nakumpiskahan ng patalim, tirador at sumpak.

Ayon kay Anselmo, lima sa kanyang mga tauhan at tatlo sa miyembro ng MMDA clearing operation ang kabilang sa mahigit 40 nasugatan dahil sa tama ng bote at bato sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naipagpatuloy din kahapon ang demolisyon at wala nang naganap na kaguluhan makaraang pangakuan ni dating Pangulong Joseph Estrada ang mga apektadong residente na bibigyan ng magandang relokasyon.

ALBARO AMPIG

ARNOLD REPEKE

BRYAN COSTA

CHARLIE MELOGA

CHIEF INSP

DANILO ANSELMO

DYAN MARIE SALMOROS

EDWIN BAYHONAN

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with