DepEd handa sa one-day registration
MANILA, Philippines - Seryoso ang Department of Education (DepEd) na palakihin ang bilang ng mga batang magpapa-enroll sa paaralan sa darating na pasukan.
Kaugnay nito, inianunsiyo ng DepEd na puspusan na ang paghahanda para sa kanilang programang one-day early registration sa Enero 29.
Kasunod nito, ipinag-utos ng DepEd ang paglikha ng DepEd-Assistance Center for Early Registration (DepEd-ACER) Help Desk upang makatulong sa pagpapakalat ng impormasyon hinggil sa programa at tumugon sa lahat ng mga katanungan ng publiko.
Ayon kay Education Undersecretary for Programs and Projects Yolanda Quijano, umaasa sila sa tulong ng early registration campaign, mahihikayat nila ang mga magulang na ipa-enroll sa paaralan ang kanilang mga anak upang mabigyan ng oportunidad na makapag-aral.
Ang pagbuo ng naturang help desk ay alinsunod sa DepEd Order No. 2, na nagdedeklara sa Enero 29 bilang Early Registration Day.
Inaasahang mag-ooperate ang ACER-Help Desk sa Bulwagan ng Karunungan, Rizal Building, DepEd Complex, Pasig City mula Enero 29 hanggang Pebrero 4, 2011.
- Latest
- Trending