Naningil ng pautang grinipuhan

MANILA, Philippines - Dahil sa paniningil ng pautang na P200, pinagtulungang saksakin at malubhang nasugatan ang isang 25-anyos na lalaki sa karahasang naganap kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Dulong Hernandez Street sa Barangay Catmon, Malabon City. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa  Jose Reyes Memorial Medical Center si Rogel Reyes ng Teachers Village, Barangay  Catmon. Tinutugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina  Gary Quijano at anak na si Jetjet Quijano. Lumilitaw na sinisingil ng biktima ang suspek na si Jetjet subalit tumanggi ito kaya nagtalo at nagkasigawan ang dalawa. Dito na humingi ng saklolo si Jetjet sa kanyang ama hanggang sa pagtulungan ang biktima.

Show comments