^

Metro

QCPD chief, binatikos sa paglaglag sa mga tauhan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Binatikos ng mga opis­yal at tauhan ng Quezon City Police Dis­trict (QCPD) ang kanilang director na si Chief Supt. Benjardi Mantele dahil sa umano’y paglalaglag sa kanyang tauhan na si dating District Anti-Illegal Drugs (DAID) head Chief Insp. Edwin Faycho.

Kasabay nito, nana­wagan ang mga nasabing opisyal at mga tauhan sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na sibakin na si Mantele bilang district director ng QCPD dahil anila ay wala na silang respeto rito.

Nanawagan din kay QC Mayor Herbert Bautista ang mga pulis, kabilang ang non-uniformed personnel at Police Aide na gumawa­ ng hak­­bang upang palitan na si Mantele.

Matatandaang si Faycho ay itinuro ng Indian na si Majinder Kumar, alias James Kumar, na siyang nagtangkang dumukot sa kanya at bumaril at nakasugat kay Sr. Insp. Renato Apolinario, ng Pasay City Police, noong Disyembre 20.

Mariing itinanggi ni Faycho ang akusasyon na sinang-ayunan naman ng maraming opis­yal at tauhan ng QCPD na nagsabing nasa Camp Karingal si Faycho nang naganap ang insidente.

Naunang ipinagtanggol ni Mantele si Faycho subalit makalipas ang isang linggo, biglang iti­nanggi nito na nasa kampo ang dating hepe ng DAID nang maganap ang insi­dente.

BENJARDI MANTELE

CAMP KARINGAL

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

EDWIN FAYCHO

FAYCHO

JAMES KUMAR

MAJINDER KUMAR

MAYOR HERBERT BAUTISTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with