Indian trader binoga

MANILA, Philippines - Patay ang isang ne­gosyanteng Indian national makaraang pagbabarilin ng isang hindi pa nakilalang salarin na lulan ng motorsiklo habang naniningil ang biktima ng kanyang pa­utang, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Hindi na umabot ng buhay sa Ospital ng Makati ang biktima na si Gurmel Singh, 23-an­yos, makaraang magtamo ng mga tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tumakas naman ang suspect sakay ng isang kulay itim na motorsiklong Honda Wave (4612-VT) patungo sa hindi nabatid na direksiyon makaraan ang pa­mamaslang.

Batay sa ulat ni PO3 Dominador Roque ng Homicide Section ng Makati Police, nangyari ang insidente bandang ala-1:33 ng hapon habang naniningil umano ng kanyang mga pahulugang pautang ang biktima sa Antipolo St., Brgy Guadalupe Nuevo sa naturang lungsod.

Nananatili namang blangko ang pulisya sa motibo ng pamamaslang habang inaalam na kung kaninong pangalan nakarehistro ang motorsiklong ginamit ng mga salarin. 

Show comments