^

Metro

Pawnshop teller pumalag sa holdaper, kritikal­

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kon­­disyon ngayon ang isang babaeng teller ng isang sanglaan makaraang pag­­sasaksakin nang puma­lag sa nag-iisang hol­da­per na nagpanggap pang bagong guwardiya, ka­hapon ng umaga sa Malabon City.

Ginagamot ngayon sa Manila Central University Hospital ang bik­­timang nakilalang si Je­rame Yangcio, 25, teller ng Lhuiller Pawnshop at naninirahan sa no. 42 Bi­nangonan Street, Maypajo, Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Malabon Police, da­kong alas-7 kaha­pon ng umaga nang pumasok sa trabaho si Yangcio sa sanglaan na matatagpuan sa Manapat Street, Brgy. Tanong, ng natu­rang lungsod.

Kabubukas pa lamang ng sanglaan ng bik­­tima nang lumapit ang suspek na nakasuot ng uniporme ng security guard at nagpakila­lang bagong guwardiya ng es­tablisimiyento kaya malaya rin itong nakapasok.

Sa loob ng sang­laan, naglabas na ng patalim ang suspek at inutusan si Yancio na buksan ang kaha de yero na nagla­laman ng mga alahas at pera. Tumanggi na­man si Yangcio na sumunod sa suspect sanhi upang sunud-sunod itong undayan ng saksak ng salarin.

Nagawa namang ma­­­patunog ng sugatang si Yangcio ang alarma ng sanglaan sanhi upang mataranta ang suspect at mabilis na tumakas.  Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad na isinugod sa pagamutan ang biktima pero na­bigong maabutan ang suspect.

vuukle comment

BRGY

CALOOCAN CITY

GINAGAMOT

LHUILLER PAWNSHOP

MALABON CITY

MALABON POLICE

MANAPAT STREET

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

SHY

YANGCIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with