^

Metro

7 fetus itinapon sa Maynila

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nakakaalarma na ang parang basura na lamang na pagtatapon ng fetus dahil sa hindi pa man nagsasara ang unang buwan ng taong ito, nasa pitong fetus na ang itinapon sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila.

Sa pinakahuling ulat, tatlo ang magkakasunod na nadiskubre sa loob lamang ng isang araw kabilang ang isang nasa 8 hanggang 9 na buwang gulang na babaeng  maituturing na sanggol na subalit pinaniniwala­ang ipina-abort ng ’di pa kilalang ina.

Sa ulat na isinumite ng mga imbestigador kay P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homi­cide Section, kahapon ay nasa 7 na ang natagpuang fetus.

Dakong alas-9:30 ng umaga­ nang matagpuan sa panulu­kan ng Roberto Oca at Rail­road sts., sa Port Area, Maynila ang sanggol na nakabalot sa damit na kulay itim, pambabae at isinilid sa plastic. Nadaanan ng isang Wendy Nuñez ang sanggol na may nakakabit pang um­bilical cord.

Ikalawa ay ang tinata­yang  2 buwan na fetus, na­ka­silid sa garapon, wala pang kasarian na natagpuan naman sa kalsada sa Dagonoy corner Oro St., sa Sta. Ana, Maynila, sakop ng Brgy. 774, Zone 184 dakong alas-10:30 ng umaga

Ikatlo ang tinatayang nasa 3-4 buwan, nakasilid sa plastic bag, dakong 1:30 ng hapon, kahapon sa panulukan ng Delfierro at Earnshaw Sts., Gagalangin, Tondo.

Samantalang ang iba pa ay natagpuan sa iba’t ibang lugar sa lungsod nito lamang mga nakalipas na araw.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng mga ipina-abort ang mga nasabing fetus sa hindi pa natutukoy na mga abortionist sa magkakahiwalay na lugar.

vuukle comment

ARMAND MACARAEG

AYON

EARNSHAW STS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MAYNILA

ORO ST.

PORT AREA

ROBERTO OCA

SHY

WENDY NU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with